Advertisers

Advertisers

Kick-off!

0 326

Advertisers

Natutuwa si Aling Barang sa tagumpay ng pambansang koponan ng mga kababaihan natin sa football. Labis ang saya ng may-ari ng pondahan sa kanto sa kauna-unahang korona ng Ph ladies’s national team sa ASEAN level. Ito ang ASEAN Football Federation championship na ginanap sa Rizal Memorial Stadium kamakailan.

Pero si Tata Selo 1/2 lang ang ligayang nararamdaman kasi kalahati raw ng kasapi sa nagwaging squad ay mga hindi home-grown na mga talento. Mangyari ay 13 sa 27 ay tunog-banyaga ang mga apelyido. Tapos 14 sa 27 ay mula sa mga football club na base sa abroad.

Wala naman masama sa praktis na ganire ng mga NSA. Yung naghahanap ng mga may dugong Pinoy sa ibayong dagat para kumatawan sa ating bansa. Pinapayagan yan ng mga international body sa iba’t-ibang sport. Ke sa basketball o sa football ay ayos lang. Di ba ang mag-utol na Younghusband na Phil at James ay bahagi naman ng Azkals?



Ang punto lang ni Tatang ay maging simula lang ito upang magkaroon ng momentum ang pagpapalawak ng popularidad ng partikular na sport. Mas marami nga naman maglalaro at pagpipilian para sa magreprenta sa Pinas. Huwag lang daw gawin pang-habang buhay na programa kasi hindi natin mabibigyan na pagkakataon ang mga lokal na mga player. At sa susunod lagyan din ng limitasyon sa bilang.

Parang band-aid solution lamang ito upang i-jumpstart ang mas magandang development plan. Sa termino sa paboritong laro sa buong mundo ay pang-kick off lang.



Hindi na nga pala Malditas ang taguri sa kanila kasi may masamang connotation sa Spanish at Portuguese pati na rin sa Pilipino ang salita. Hehe.

***



Gaya dati ang tutol sa comeback bid ni Manny Pacquiao ay ang mga taong may tunay na malasakit sa kanya. Ito ay ang asawang si Jinkee at ang coach-trainer na si Freddie Roach. Malamang ayaw din ito ng inang si Aling Dionesia.

Yung mga may gusto naman ay ang mga nakapaligid sa kanya na wala ng kita ngayon. Kung walang fight si Manny ay awanti pera sila. Hehehe.

***

Balik sa realidad ang Blackwater. Mula sa kartadang 5-1 ay naging 5-4 na sila ngayon at posible pang hindi makapasok sa quarter-finals. Tatlong sunod kasing talo ang Bossing. Mula sa close game kontra SMB ay dinaig din sila ng ROS at NLEX.

Itong huling laro nila ay tinambakan pa sila ng Road Warriors.

Ano na nangyari Coach Ariel Vanguardia? Di bale may 2 pa silang laban para makabawi.