Advertisers
NAGLIPANA sila noong panahon ng yellow administration.
Nawalis noong panahon ni Digong at totally ay naglaho sila noong kasagsagan ng pandemya.
Nang unti-unti ay nagluluwag ang health protocol at nakalalabas na ang mga pampublikong sasakyan sa mga lansangan at mga tao ay nagsusulputan na naman sila.
Lipana uli ang mga pulubi sa kalye ,batang lansangan,rugby kids,taong grasa ,batang footbridge na umiihi at dumudumi sa daanan ng tao at ang mga ‘badjao’ daw na sumasabit at humihingi ng pera sa mga pasahero ng jeep at bus,
Hindi mo alam kung mga tunay na kakaawaan upang bigyan dahil marami sa kanila ang malulutong nang magmura lalo kung walang malilimos sa kanilang sinabitang sasakyan,
Ilan lang ang tunay na pulubi dahil marami sa kanila ay ginagamit ng mga ismoltaym kurap na opisyal para pagkakwartahan kahit barya lamang.
Kahit saang mga ruta sa Kamaynilaan ay makikita na sila lalo na sa byaheng Pasay -Rotonda-FTI -Tenement-Taguig.
Hanggang sa akala nila ay walang gobyerno ang Metro Manila.
Tinatawagang pansin ang bagong kalihim ng DSWD na si Sec Tulfo.
Mataas ang ekspektasyon ng balana sa inyo upang paglingkuran ang mga totoong dalita at salain ang mga pekeng pulubi na gamit ng mga kruk.
Sana’y malinis sa iyong timon ang mga lansangan at kalingain na ng inyong pamahalaan ang tunay na kapuspalad at sakotehin ang mga gumagamit sa kanilang mga hitad.
Katwiran ng mga nakaraang taga-DSWD,kahit daw hulihin ang mga pobre at dalhin sa kanilang mga rehabilitation centers ay tumatakas daw sila at bumabalik sa kanilang daigdig- ang lansangan.
Unsolicited advise ng korner na ito,hindi sapat ang pakakainin lang sila,dapat ay may libangan at pinagkakaabalahan.
Lagyan ng SPORTS facilities ang rehabs at tiyak na may lilitaw sa kanilang potensiyal sa larangan ay malay natin ay magiging atleta sila ng bansa na may pangakong magandang buhay.
Paging Kalihim Erwin Tulfo,tutukan ang isyung ito na tunay na sasaludo ang mga tao sa gobyerno ni PBBM na kinabibilangan nyo… TUTOK TULFO!