Advertisers

Advertisers

GOBYERNO MAY UTANG PANG HIGIT P300M SA ‘LIBRENG SAKAY’

0 241

Advertisers

MAHIGIT 300 milyong piso pa ang utang ng gobyerno sa bus operators ng EDSA Bus Carousel na nag-aalok ng libreng sakay.

Sa pahayag ng Mega Manila Consortium Corporation (MMCC) nitong Miyerkules, hinihintay pa nila na mabayaran ng pamahalaan ang P310 milyong utang kaugnay ng free rides program ng gobyerno.

Ayon sa MMCC internal affairs officer na si Juliet de Jesus, saklaw ng naturang halaga ang apat na linggong backlog na kailangan nang mabayaran ng Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) para may pampasuweldo sila sa kanilang mga drayber.



“Mayroon pa pong apat na receivables ang mga operator,” sabi ni De Jesus.

Ang MMCC ay nabayaran palang ng 10 linggo na utang ng gobyerno.



Dahil dito, hindi parin nababayaran ng kumpanya ang fuel supply nila. Mababayaran lang nila ito kapag nabayaran din sila ng pamahalaan.

“Puro utang po sa mga supplier. Tapos mangangako po na magbabayad ‘pag nakakolekta po. Ganoon po kami,” sabi ni De Jesus.



Inaasahan na, aniyang, magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng MMCC at LTFRB upang matalakay kung paano maipagpatuloy ang “libreng sakay” program para sa EDSA Bus Carousel na pinalawig pa hanggang Disyembre.