Advertisers

Advertisers

Delivery rider magre-remit ng koleksiyon, patay sa truck

0 254

Advertisers

Patay ang isang delivery rider nang matumba sa nakalaylay na kawad sa kalye at nagulungan ng dump truck sa Batangas City.

Kinilala ang biktima na si Raynaldo Ayaton, 33 anyos.

Batay sa imbestigasyon, 9:00 ng hapon nitong Miyerkules nang maaksidente si Ayaton sa national highway sa bahagi ng Barangay Sampaga.



Sa report, natumba ang biktima nang sumabit sa nakalaylay na kable sa kalsada, at magulungan ng truck.

Mabilis na tumakas ang driver ng truck.



Kuwento ng asawa ng biktima na si Jenny, umalis ng bahay ang kaniyang mister para mag-remit ng nakolektang pera sa pagiging delivery rider.

“Sana makonsensiya siya [driver]. Buhay ng asawa ko yung kapalit ng ginawa niya. Hindi ko siya mapapatawad,” sabi ng naghihinagpis na si Jenny.



Hangad din ni Mang Romeo na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng anak. Hiniling niyang sumuko na ang driver ng truck.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng driver ng truck.