Advertisers

Advertisers

Bea di pa rin makalimutan ang dinanas na hirap sa buhay; Vice Ganda binawasan ang tf para maipagawa ang studio ng ‘It’s Showtime’

0 314

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA Isang panayam kay Bea Alonzo ng isang magazine ay lantarang ipinagtapat nito na noon ay talagang lagi nitong bitbit ang pag-aalaga.
Sa pagbabalik tanaw ay naiisip nito noon ang kikitain sa bawat linggo.
Makakabili ba siya ng mga kanilang pangangaipangan at makakabayad ba sa kuryente at tubig.
Dagdag pa ang pag-aalala kung makakabayad pa ba sila ng renta ng bahay.
As in, di basta-basts ang pagpasok sa showbiz ni Bea as in lagi nitong inaalala ang pamilya.
Kaya pumasok ito sa showbiz para kumita ng pera para sa pamilya.
Si Bea kasi ang naging breadwinner sa kanilang pamilya kaya kailangan na magdoble sipag para matugunan ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay.
At bago naman niya narating kung saan man siya ngayon ay nagsipag, nagtiyaga at buo ang determinasyon na makakamit ang tagumpay.
Pero never nitong makalimutan ang kahirapan ng kanilang buhay dati.
***
ISANG malaking sakripisyo naman ang ginawa ni Vice Ganda para sa kanyang show na It’s Showtime at mga kasamahan.
Binawasan ang talent fee nito para mapaganda lalo ang studio ng It’s Showtime.
Ipinakita ang bagong studio na mismong si Vice ay tumulong sa pamamagitan ng pagbawas ng tf nito sa show.
Walang angal si Vice para sa show at mga kasamahan sa programa.
Kaya mas lalongbhinangaan si Vice sa pagtulong nito sa kanyang show kung saan siya nagkapangalan at kumita ng limpak-limpak.
Marami namang na-impress nang makita ang bagong studio ng It’s Showtime coutersy of Vice.
Well, well, well… ‘Yun na!