Advertisers

Advertisers

Ruru nalungkot, ‘di naeskortan sa Kapuso Gala Night ang dyowang si Bianca

0 354

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NALULUNGKOT man at hindi nakarampa sa katatapos na Kapuso Thanksgiving
Gala Night ay walang magawa ang aktor na si Ruru Madrid kundi panoorin na lang ang kaganapan sa live show online.
Isa sa rason kung bakit nalungkot ang aktor ay sa kadahilanan na hindi niya nagawang iskortan ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali. Kasalukuyan kasing nasa South Korea si Ruru kasama ang ilan pang Kapuso actors para sa taping ng Philippine version ng “Running Man.”
Hindi naman maitago ang labis na paghanga sa kagandahan ni Bianca noong gabing iyon kung saan nakasuot ito ng sequin-filled dazzling gown by Val Taguba inspired by Greta Garbo’s 1931 film Mata Hari matched with her diamond dripping headdress.
”Noong nakita ko na rin na naglalakad siya mag-isa, she was so beautiful. For me, mas kailangan niya ‘yung spotlight na iyon na mag-isa siya, na wala ako sa tabi niya,” saad ng bidang aktor sa seryeng “Lolong”.
May tiyansang manalo ang mga loyal Lolong viewers sa bagong Lolong selfie contest na “Ready, Pangil, Smile.” Bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng Lolong at sundin ang instructions at mechanics para makasali.
***
TILA sinusundan ni Josef Elizalde ang yapak ni Marco Gumabao sa bakuran ng Vivamax. Halos naging sunud-sunod ang mga sexy movies na ginagawa ni Josef.
Katulad na lang sa movie n’yang ‘X-Deal 2, na sinundan ng ‘Doblado’, at ngayon nga ay ang “Purificacion”, kasama sina Cara Gonzales, Rob Guinto, Quinn Carillo, Stephanie Raz, Katrina Dovey, at Ava Mendez, na mapapanood na simula ngayon, August 5 sa lahat ng Vivamax Apps.
Sa isang panayam ay nabanggit ni Marco ang pangalan ni Josef nang matanong ang una kung sino sa palagay niya ang susunod sa kanyang yapak.
”Mapagbiro naman si Marco, e. Alam naman natin lahat na si Marco pa rin… Walang makakatalo kay Marco. Siguro kahit ako na lang ang sumunod, okey lang,” say ni Josef.
Sa latest movie niyang “Purificacion” ay anim na Vivamax bombshell ang kanyang ka-love scenes, ubos-lakas ika nga ang peg ni Josef?
”No naman kasi with Direk GB, how they do it, naaayos naman, natsa-chop-chop naman nila ’yong mga ganu’ng eksena na hindi aabot sa point na sobrang pagod ang mga artista. Well taken cared of naman kami doon sa set nina Direk GB,” dagdag na say pa ni Josef.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.