Advertisers

Advertisers

Pasiklaban sa pagpanday ng batas

0 188

Advertisers

NAGPAPASIKLABAN ngayon ang mga kongresista sa pagsulong ng kanilang mga panukalang batas.

Pero mas natutuwa ako rito sa isinusulong ni PBA Partylist Representative Margarita Nograles, misis ng pinalitan niyang si Jerico.

Isinama ni Margarita sa kaniyang panukalang proteksyon para sa mga babae, bata, bakla, tomboy, silahis at transgender ang battered husband. Ayos!



Sa panukala niyang ito, gusto ni Rep. Margarita managot din ang misis na ginagawang “under de saya” o nananakit ng mister. Yahooo!!!

Ang parusa? Kulong na isang buwan hanggang 20 taon, at multa na P100,000 hanggang P300,000. Depende ito sa bigat ng ginawa ni misis kay mister. Hahaha…



Wish ko na maipasa agad ang panukala na ito, mga pare. Oo! Dapat lang na may proteksyon din tayo sa misis na boksingera/karatista at marites noh.

Mabuhay ka, Congresswoman Nograles!!!



***

Isinusulong naman ngayon ni dating Pangulo ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) ang House Bill 488 (Penalizing political turncoatism and strengthening political parties).

Ito yung mga “balimbing” na politiko. Political butterfly. Walang loyalty sa kanyang partido. Yun bang biglang nang-iiwan sa ere kapag nakitang pabagsak o patapos na ang termino ng pangulong sinandalan nila ng anim na taon.

Malalim ang hugot dito ni GMA. Kasi nangyari sa kanya ito noong pangulo siya at patapos na ang kanyang termino at kinasusuklaman siya ng mga tao. Talagang walang naiwan sa kanya kundi ang kanyang paamilya. Pero nang makabalik siya sa kapangyarihan, naging House Speaker sa kalagitnaan ng termino ni noo’y President Rody Dueterte at Sr. Deputy Speaker dito sa termino ni Pres. Marcos Jr. , nagbalikan ang mga politikong pinayaman niya sa 9 years niya sa Malakanyang.

Naranasan din ito ni ex-President Joseph “Erap” Estrada. Nang ma-impeach siya sa kalagitnaan ng kanyang termino ay iniwan din siya ng mga kaalyado niya. Pati ang mga bespren niyang gambling lords na politiko ay pinagdiinan siya hanggang sa makulong. Saklap nga! Hehehe…

Nang makabalik si Erap sa politika, naging mayor ng Maynila, nagbalikan din ang mga trapo na hangad ang kanyang endorso at salapi. Animal!

Kaya suportado natin itong panukala ni CGMA. Kasi nga may mga hunyangong politiko rin sa amin sa Romblon. Mismo!

***

Bad news sa mga social pensioner. Sa Enero 2023 pa raw eepekto ang P500 na dagdag sa senior pensioners.

Oo! bagama’t batas na ito, hindi parin ito maipapatupad ngayon. Kasi wala pa raw pondo. Hahanapan pa ng mapagkukunan sa 2023 national budget. Malamang hindi na ito matitikman ng ibang seniors na palubog na ang kanilang araw. Araguy!!!

***

Isinusulong naman ni Kusug Tausog party-list Representative Shernee Tan-Tambut ang House Bill No. 2698 na magkaroon ng sariling gusali o opisina ang Office of the Vice President.

Sagot narin ito sa hirit ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Aprub sa atin ito. Dapat lang talaga magkaroon ng sariling gusali ang Office of the Vice President kesa palipat-lipat at nangungupahan lang sila ng opisina.

Dapat ang Senado ay mayroon din sariling gusali/tanggapan. Dahil bilyones ang binabayad nito sa pag-uupa para sa tanggapan ng mga senador eh.

Ipasa nyo agad, Congress, ang panukalang ito!!!