Advertisers

Advertisers

Isolation ng unang Pinoy na tinamaan ng monkeypox, tapos na – DOH

0 180

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) na natapos na ang isolation period ng kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang huling araw o ika-21 araw ng isolation ng pasyente ay natapos na kahapon, Biyernes.

Sabi ni Vergeire, sa ngayon ay magaling na magaling na rin ang mga lesions ng pasyente.



Binigyan na rin ng ‘go signal’ ng kanyang mga doktor ang 31-taong gulang na pasyente para makalabas na ng pagamutan ngayong Sabado at makipag-interact sa kanyang pamilya at iba pang tao.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang bagong kaso ng monkey pox ngunit patuloy pa rin aniya nilang binabantayan ang mga close contacts ng pasyente.

“Yung mga lesions niya are completely healed already. Yung mga close contacts patuloy na binabantayan katulad nung sabi natin they are required to complete their 21 days quarantine period. Magbibigay tayo ng information pagsila nakatapos na ng 21 day quarantine,” ayon kay Vergeire, sa pulong balitaan nitong Biyernes.

Samantala, sinabi ni Vergeire na ang iba pang “suspected” patients ay nasuri na at nag-negatibo sa monkeypox.

Matatandaang ang naturang pasyente ay dumating sa bansa noong Hulyo 19 matapos na bumiyahe sa mga bansang nakapagtala na ng kaso ng monkeypox.

Kabilang sa mga sintomas ng naturang sakit ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkapagal, pagkakaroon ng rashes, pamamaga at pananakit ng mga lymph nodes. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More