Advertisers

Advertisers

29 toneladang isda patay sa “fishkill” sa Batangas

0 200

Advertisers

UMABOT na sa 29 tonelada ng isdang tilapia ang namatay dahil umano sa fishkill sa Taal Lake sa bayan ng Agoncillo sa Batangas noong Martes.

Sa huling tala ay umabot na sa halagang P3,200.000 ang mga namatay na isda.

Sinabi naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR IV-1) Director Sammy Malvas, na ang naging dahilan ng mga pagkamatay ng mga isda ay ang mababang oxygen level sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel at Talisay.



Nagsagawa na rin aniya sila ng mga water sampling quality test sa mga nabanggit na bayan na nakapalibot sa Taal Lake at duon nila nadiskubre ang mababang disolved oxygen level ng tubig sa naturang lawa.

Siniguro naman ni Malvas na hindi maapektuhan ang suplay ng tilapia sa mga pamilihan, dahil maliit na porsyento lamang aniya ito at hindi pa nila ikinokonsiderang totally “fish kill” ang nangyaring pagkamatay ng mga isda bagkus ay isa lamang umano itong mortality na meron maliit na volume.



Ibinaon naman sa lupa ng mga residente ang mga namatay na isda upang huwag ng magdulot pa ng ibang sakit. (Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">