Advertisers

Advertisers

‘Kailangan may isang booster shot para maituring na fully vaccinated’ – Mayor Honey

0 212

Advertisers

UPANG maituring na fully vaccinated ang isang indibidwal ay kailangan na nakapagpaturok siya ng kahit isang booster shot o kabuuan ng tatlong bakuna kabilang na ang ang primary shots.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna kasabay nang muli niyang pag-apela sa mga residente ng Maynila na kabilang sa eligible population na magpaturok na ng booster shots.

Ibinunyag ni Lacuna na ito ang pinag-usapan sa nakaraang meeting ng mga metro mayors sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at idinagdag din nito na gagawin ang pag-aanunsyo sa nasabing usapin sa mga susunod na araw o linggo.



“Sa susunod, kailangang may 1st booster shot ka na, para sabihing fully vaccinated,” ayon kay Lacuna.

Dahil dito ay hinikayat ng alkalde ang lahat ng residente sa kabisera ng bansa na tumulong sa national government na magtagumpay sa layunin nitong magkapagturok ng mas marami pang booster shots sa loob ng first 100 days ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.



“Makipagtulungan po tayo sa national government, sa panawagan ng Pangulong Bongbong Marcos na sa loob ng 100 days ‘yung ni-launch na “Pinaslakas” vaccination na nakatuon sa booster, sana ay madagdagan ang nagpapa-booster lalo na ‘yung first booster,” sabi ni Lacuna.

Binigyang diin ni Lacuna na isa ring doktor, ang kahalagahan ng booster shots bilang karagdagang proteksyon kontra COVID-19 at sa lahat ng variants nito.



“Kahit anong bakuna, kahit paano ay me period kung gaano sila ka-epektibo.Kung hindi kailangan ang booster shots ay bakit kayo hinihikayat?,” sabi ni Lacuna.

Idinagdag pa ng first lady mayor ng Maynila na ang bisa ng pinakahuling bakuna ay humuhupa rin kung kaya’t kailangan talaga na magpaturos ng booster.

Nakakalungkot, ayon kay Lacuna na na 49 percent lamang sa eligible population sa National Capital Region (NCR) ang nakapagpaturok booster shots.

Sinabi ni Lacuna na tuloy ang pagbibigay ng primary at booster shots sa Maynila sa mga health centers, city-run hospitals at mga designated shopping malls.

Nanatili pa rin ang ‘open policy’ sa lungsod kung saan ang mga hindi nakatira sa Maynila ay maaaring magpabakuna at magpa-booster kung nais nila, dagdag pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)