Advertisers

Advertisers

P25-B pension fund pinasasama sa 2023 national budget

0 118

Advertisers

HINIKAYAT ng isang kongresista ang Malakanyang na isama sa panukalang 2023 National Budget ang dagdag na P25 bilyon para mapondohan ang karagdagang P500 buwanang pension para sa mga indigent senior citizens.

Pahayag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangang magkaroon ng sapat na pondo ang gobyerno upang mapunan ang karagdagang halaga sa pagbibigay ng health maintenance needs lalo na ngayong tumataas ang presyo ng bilihin.

Nabatid na sa ilalim ng section 25 ng batas, hindi pwedeng dagdagan ang panukalang budget pero pwede itong bawasan.



Kaya paliwanag ni Pimentel na mas mabuting isama na sa susunod na panukalang pondo ang P25 billion na dagdag.

Nitong Agosto lamang naging ganap na batas ang Republic Act no. 11916 kung saan ini-akyat sa 1,000 mula 500 pesos ang monthly pension ng mga matatanda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More