Advertisers
TUKOY na ng pulisya ang pumatay sa 15-anyos na babaeng siklista sa Bustos, Bulacan nitong nakaraang linggo matapos ang isang linggong pagkawala.
Natagpuan ang bangkay ng dalagita, Princess Marie Conde Dumantay, Grade 9 student, ng 6A Tower Ville, Grace Ville, San Jose del Monte, Bulacan, sa damuhang bahagi ng Barangay Bonga Menor nitong Biyernes (August 12).
Ayon kay Philippine National Police spokesperson, Colonel Jean Fajardo, nakilala na ng pulisya ang salarin matapos makausap ang mga saksi.
“Nung ipinaloap po natin ‘yung mga information na ibinigay po nila, kasama po doon sa mga verification natin ay na-establish po nila ‘yung identity nitong salarin. At nung ibinigay po at ipinakita natin ‘yung pictures ng ating suspek, pati po nung biktima doon sa mga witness na nakakakilala sa kanya at madalas nakakakita sa kanya doon sa area kungsaan madalas siyang nagbibisikleta, positibo po nilang itinuro itong biktima na kasama nitong suspek,” saad ni Fajardo.
“Nakikita nila na magkausap sila nitong biktima at suspek at nitong August 10 ay nakita nila na sumama ito mismo dito sa suspek,” dagdag pa niya.
Sangkot din ang suspek sa rape case at paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.