Advertisers

Advertisers

Gretchen babu na sa showbiz, mag-aalaga na lang ng apo

0 200

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAPAG-usapan sa isang showbiz online show ang pag-goodbye ni Gretchen Barretto sa showbiz.
Great exit nga ang ginawa ni Gretchen na mas pinili na lang ang maging ordinaryong mamamayan.
Sa kabila noon ay sinabi ng netizens na magbabu man sa showbiz si Greta ay dahil sa kanyang desisyon.
Nag-goodbye ito sa showbiz di dahil ayaw na sa kanya ng masa kungdi gusto na nito ang tahimik at simpleng buhay.
Mag-aalaga na nga lang ng kanyang apo si Gretchen sa anak ng kanyang unica hija na si Dominique.
Nagbabu man ito ay di naman siya nalaos, naghirap at pumangit.
Kahit madalang at walang project si Gretchen ay napanatili naman nito ang bango at kinang ng kanyang pangalan.
Kahit wala itong ganap sa showbiz noong kasagsagan ng pandemya ay nagkusa itong tumulong sa marami kabilang na ang showbiz press.
Dahilan kung bakit ayaw nito magpa-picture ay ayaw nitong masabi na siya ay mayabang.
***
Teresa at Macky, napa-react sa pagkikita muli nina Sunshine at Cesar
SA matagal na panahon na nagkahiwalay sina Cesar Montano at Sunshine Cruz ay perfect time nitong August 28 taong kasalukuyan ay nag-debut ang pangalawang anak nina Sunshine at Cesar na si Sam Cruz.
Pangarap na mabuo ang pamilya ay nangyari dahil sa kaarawan ng anak nina Shine at Buboy.
The best birthday gift nga raw para kay Sam, second daughter nina Sunshine at Cesar bukod kina Cheska at Angelina.
Nasa special day din ni Sam ang mga kapatid sa ama lalo na ang kilala na rin sa showbiz na si Diego Loyzaga na anak ni Cesar kay Teresa.
Nangingiti at parehong masaya sina Teresa at Macky Mathay, present bf ni Sunshine na nandun din sa natal day ni Sam sa nakikitang pagba-bonding ng dating ex-couple with their kids after ng mahabang panahong nagkalayo.
Well, well, well… ‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More