Advertisers
Ni BETH GELENA
SA esklusibong interbyu ng Knowdabuzz sa Optimum actress na si Claudine Barretto, sinabi niyang walang katotohanan na balik-GMA 7 siya tulad nang unang napabalita.
Aniya, totoong lilipat daw siya ng istasyon pero hindi sa Kapuso Nerwork.
“Magpipirmahan na lang kami ng kontrata. Inaayos pa lang lahat na mabuti ni Arnold Vegafria (manager ng aktres). Pero kapag naayos na at ok na lahat, pipirma na kami.”
Tuwirang tsinika ni Claudine na sa AMBS (ang TV station ni dating Senador Manny Villar) siya pipirma ng kontrata.
Naku pag nagkataon, malamang si Claudine ang magiging Reyna ng AMBS.
Kapansin-pansin na malaki ang nabawas sa timbang ng aktres.
“Nagbawas talaga ako, kasi kahit ako mismo ay nahihirapan na. Saka kinakailangan na ring magbawas para sa trabaho.”
Nami-miss na rin daw ng aktres ang paggawa ng teleserye.
So far, sino bang aktor ang gusto niyang makatrabaho?
Sey ni Claud, “of course Piolo Pascual, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz.”
Nabanggit din niya sina Diether Ocampo at Aga Muhlach.
Sa young actors ay walang napili ang aktres.
Kaya suggestion namin, pwede siyang ipareha kay Joshua Garcia o Elijah Canlas.
Anyway, abangan si Claudine sa AMBS ni Manny Villar.
***
PIA WURTZBACH TINAWAG NA ‘QUEEN’ SI ANNE CURTIS
May bagong uploaded photo si Anne Curtis na hinangaan sobra ng netizens.
As usual, viral ang stunning photo ng Fil-Am actress-TV host.
Hindi lang netizens ang nakaagaw ng atensyon sa lovely photo ni Anne kundi maging kapwa niya celebrities.
Maging si Miss U 2015 Pia Wurtzbach ay nag-iwan ng komento na “queen” sa comment section ng IG account ng It’s Showtime host.
Natuwa si Anne at agad nag-reply sa beauty queen.
“@piawurtzbach thank you Pia!! Nakakahappy coming from a Queen herself,” ani Anne.
“Perfect sooo much love you,” ayon naman sa isang netizen.
Hindi naman talaga maitatanggi na may kakaibang beauty si Anne.
Kahit anong iayos sa kanyang buhok o mukha ay kayang iproject ni Anne.
Kahit nga si Vice Ganda ay hindi niya maitangging maganda ang kanyang “sister.” Lamang lang daw ito sa kanya ng isang paligo.
***
KASAL NI RJ NAGMISTULANG REUNION NG STAR CIRCLE QUEST
Kinasal na kamakailan ang aktor na si Raphael Martinez sa non showbiz na si Lovely May.
Si Raphael ay produkto ng reality talent show na Star Circle Quest.
Halos ang mga Star Circle Questor ay um-attend sa kasal ni RJ kaya naman nagmistulang reunion ang kasal ng former actor.
Dumalo sa church wedding ang kanyang co-questors na sina Joross Gamboa, Melissa Ricks, Joseph Bitangcol, at Jason Abalos na malapit nang ikasal sa fiancee niyang former beauty queen na si Vickie Rushton.
Sa IG post ni Joross ay in-upload niya ang kuhang larawan nila ng grupo.
Nilagyan niya ito ng caption na isa-isa na raw silang nagkakaroon ng pamilya.
Next daw na ikakasal ay ang aktor-pulitikong si Jason sa September 1.
Very intimate at limitado lang umano ang imbitado sa kasal nina Jason at Vickie na magaganap sa parteng South.
Tiyak na muling mauulit ang pagkikita ng Star Circle Quest sa kasal nina Jason at Vickie.
Ang tanong ng netizens, maka-attend daw kaya sina Sandara Park at Hero Angeles?
Ang dalawa ang naging Grand Questors sa nasabing reality competition.
***
SHARON MAY CONCERT TOUR SA AUSTRALIA SA OCTOBER
Inanunsiyo ni Sharon Cuneta sa kanyang IG Stories na magkakaroon siya ng concert tour sa Australia sa Oktubre titled Love Sharon.
Mag-uumpìsa raw ito ng October 15 hanggang 29.
“Australia!!! See you all this October Love, Sharon,” ani Megastar sa kanyang Instagram.
Kamakailan lang ay nagkaron din ng US tour oncert si Sharon kasama ang Asia’s Songbird Regine Velasquez para sa kanilang Iconic concert.
Wala pang binabanggit ang Megastar kung sino ang guest niya sa Love Sharon.