Advertisers

Advertisers

Pagbabawas ng asignatura sa kolehiyo napapanahon at automation sa lahat ng iskul dapat na isulong – Gatchalian

0 349

Advertisers

TAHASANG sinabi ni Senador Win Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na kanyang suportado ang pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo at tuluyan na lamang ilagay lahat sa K-12 upang mabawasan ang taong gugugulin sa kolehiyo.

Sa pagdalo ni Gatchalian sa Kapihan sa Manila Hotel sa kooperasyon ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas tinukoy nitong halos paulit-ulit na lamang kasi ang ibang asignatura na nasa kolehiyo at nasa K-12.

Tumanggi naman si Gatchalian na kung anu-ano ang nais niyang tanggaling mga asignatura sa kolehiyo na ilagay na lamang sa K-12 subali’t aniya ang dapat pagtuunan ng panahon halimbawa sa Araling Panlipunan at MAPEH, maraming oras na ilaan sa pagbabasa na lamang.



Bukod dito sinabi pa ni Gatchalian na dagdag ding gastos at pahirap para sa isang magulang ang pagkakaroon ng dagdag na taon sap ag-aaral ng kanyang anak.

Ipinunto ni Gatchalian na imbes na nagtatrabahao na sa edad na 21 ang isang mag-aaral ay aabot pa ito ng 23 hanggang 24 taong gulang bago makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho dahil sa K-12.



Dahil dito nais ni Gatchalian na muling pag-aralan ang nilalaman ng K-12 at maging ang curriculum sa kolehiyo upang maisaayos ito ng mabuti.

Iginiit ni Gatchalian na mas mahalagang masa maraming oras ng pag-aaral ang ilaan sa pagbabasa, pagbibilang at GMRC.



Tinukoy ni Gatchalian na dapat ng sana mula sa unang grado hanggang ikatlong grado ng bata dapat na siyang marunong ng magbasa at magbilang.

Napuna kasi ni Gatchalian na marami sa ating mag-aaral sa kasalukuyan, hindi pa rin ganap na magaling sa pagbabasa at magbilang o marunong sa pagkukuwenta.

Kaugnay nito iminungkahi ni Gatchalian na dapat maging automated na ang lahat ng pamahalaan upang mabawasan na ang oras na inaaksaya ng mga guro sa paggawa ng lesson plan at mga report nito.

Samantala, tinukoy naman ni Gatchalian na dahil sa nangyaring pandemya kung kaya’t nagsara ang 800 private school sa bansa.