Advertisers

Advertisers

PH Womens National Football team magsasanay sa California

0 235

Advertisers

LILIPAD patungong California ang Philppine Womens’ National Football team para magsanay bilang kahandaan sa 2023 FIFA Women’s World Cup.

Sinabi ni Filipinas head coach Alen Stajici na magkakaroon ng isang friendly match sa mga susunod na linggo.

Pipilitin nilang makapaglaro sa ilang mga international teams para mas lalong gumaling pa ang miyembro ng womens’ football team ng bansa.



Gaganapin ang 2023 FIFA World Cup sa Australia sa susunod na taon.

Ilan sa mga friendly match ay laban sa New Zealand sa darating na Setyembre 6 sa Fullerton State sa California.

Magugunitang nagkampeon ang Filipinas sa AFF Championship na ginanap sa bansa noong Hulyo.