Advertisers
Patay ang mag-inang Pilipina nang pagsasaksakin habang nasa loob ng sasakyan sa Toronto, Canada.
Kinilala ng New York Police ang mag-ina na sina Elvie Sig-Od, 44 anyos; at Angelica Sig-Od, 20- anyos.
Agad namang naaresto ang salarin sa krimen na si Godfrey Sig-Od, 46 anyos, at dating padre de pamilyang mag-ina.
Sa ulat, nangyari ang krimen sa Bathurst St. at Ellerslie Avenue 3:30 ng hapon noong Agosto 26.
Nahaharap na si Godfrey sa kasong Two counts of Second-Degree Murder.
Wala pa namang impormasyon ang mga otoridad tungkol sa motibo ng salarin sa pagpatay sa kanyang mag-ina.
Sa ngayon, naglunsad na ng fund raising ang Lord of Glory International Ministries upang makalikom ng pondo para maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng mag-ina.