Advertisers

Advertisers

DBM ipinaubaya na sa Kongreso ang desisyon sa pagbuwag sa PS-DBM

0 206

Advertisers

INIHAYAG ni Department of Budget and Management (DBM) chief Amenah Pangandaman na ipinauubaya na sa Kongreso ang desisyon sa pagbuwag sa Procurement Service- DBM (PS-DBM) kasunod ng alegasyon sa iregularidad sa naturang opisina.

Subalit umaasa si DBM Secretary Amenah Pangandaman sa bagong PS-DBM head Dennis Santiago na mareporma ang ahensiya na may mandato sa pagbili ng bultuhang supplies para sa mga government offices.

Ani Pangandaman, gagamit sila ng e-procurement at e-shopping para sa procurement ng national government upang maging transparent.



Plano rin anilang pagbutihin pa ang procurement process sa tulong ng Government Procurement Policy Board.

Samantala, sa kabila ng mga isyu sa anomalyang kinasasangkutan ng procurement service ng DBM, sinabi ng DBM chief na nakatulong naman ang PS-DBM na makatipid ang gobyerno ng nasa P18 billion mula noong 2017 hanggang 2019 sa ilalim ng panunungkulan noon ni dating DBM Secretary Benjamin Diokno.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">