Advertisers

Advertisers

Lupet ni exPDuts, pinaghahanda na ang partido para sa 2025 elections

0 282

Advertisers

DALAWANG buwan palang ang Marcos Jr. administration, pero si dating Pangulo Rody Duterte ay pinaghahanda na ang kanyang partido, PDP-Laban, na maghanda na para sa 2025 elections! Lupet!

Sa National Council Meeting ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Paban) noong Agsto 29 sa Paranaque City, sinabihan ni ex-PDuts ang kanyang partymates na maghanda na para sa 2025 midterm elections.

Ang 77-anyos na Duterte, ama ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio, ay siyang chairman ng PDP-Laban.



“We are a democracy. We hope to build a strong PDP-Paban, we already have four senators,” diin niya sa harap ng mahigit 300 National Council Members, kabilang ang mga senador, kongresista, gobernador, city mayors at iba pang govt. officials.

Ang tinutukoy ni ex-PDuts na mga senador ay sina Francis Tolentino, Ronald “Bato” dela Rosa, Robinhood Padilla at Christopher Lawrence “Bong” Go.



Ang statement na ito ni ex-PDuts ay umani ng mga brutal na batikos mula sa netezins. Dalawang buwan palang nga daw ang Marcos Jr. administration at wala pang nagagawa ay ang 2025 elections agad ang gustong paghandaan. Animal!

Inupakan din si ex-PDuts ng netizens sa napakalaking utang na iniwan niya sa Marcos Jr. administration, higit P13 trillion lang naman.



Bukod pa rito ang napakaraming katiwalian na nasilip ng Commission on Audit (CoA) sa DoH (Pharmally), DepEd laptops, DICT gadgets, PNP gadgets, PS-DBM, at sa marami pang govt. agencies.

Teka, hindi kaya ang paghahanda na nais ni ex-PDuts ay para sa 2028 Presidential Elections, kungsaan ang kanyang unica iha na si VP Sara ang kakasa sa pagka-Pangulo?

Ito na kasi ang pinag-uusapan ngayon ng mga politiko, ang pagtakbo ni VP Sara sa pagka-presidente sa 2028, kungsaan ang malamang na makalaban niya ay ang kapartido ngayon na si Senadora Imee Marcos, ang “Super Ate” ni PBBM.

Gigil na raw kasi si Super Ate na maging lider din ng Pilipinas pagkatapos ng termino ng kanyang brother Bongbong sa 2022. Hindi raw ito payag na maging VP lang siya ni Inday Sara. Araguy!!!

Actually, matagal pa ito para pag-usapan pero malakas ang kutob ko na ito ang gustong paghandaan ni ex-PDuts.

Kapag nangyari ito, malamang na mabuwag ang alyansang Marcos-Duterte. Peks man!

Kung pinaghahanda na ni ex-PDuts ang kanyang partido para sa 2025 polls, gayundin ang ginagawa ng Liberal Party. Nagpupulong-pulong narin ito ngayon. At mga bata ang nire-recruit ng partido ng mga Aquino. Ayaw na nila ng mga trapo na balimbing!

Tingin ko mas matindi ang bakbakan sa 2025 midterm elections dahil nakasalalay dito ang 2028 presidential race, kungsaan inaasahan ang banggaan ng Marcos at Duterte at ng manok ng LP. Tandaan!

***

Kung talagang seryoso si PBBM na linisin sa katiwalian ang Department of Agriculture at Bureau of Customs, sibakin niya lahat ang mga tainted na ng korapsyon sa mga naturang tanggapan, ‘di yung inililipat lang. Mismo!