Advertisers

Advertisers

Seth bad trip pag inaakusang copycat ni Daniel

0 302

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE
MARAMING nagsasabi na may hawig si Seth Fedelin kay Daniel Padilla. At kaya naman sa kilos at porma ay ginagaya raw nito ang boyfriend ni Kathryn Bernardo.
Sa interview ni Ogie Diaz kay Seth sa kanyang vlog,  nagbigay ng reaksyon dito si Seth. Sabi niya, ganoon lang daw talaga siyang pumorma at okey naman daw ‘yun sa management ng ABS-CBN, na parehong kuwardra nila ni Daniel.
Aniya, “Sabi naman sa akin ng management, ‘Seth maintain mo ‘yan, maintain mo ‘yang pang-masa (look) mo. Ang inaano ko po kasi ay gusto kong maka-relate sa akin ang tao, mga bata na kahit ito lang suot ko, okay ‘yan.
“Bakit ako magsusuot ng mamahaling sapatos, e, ayaw ko nga ng ganu’n?  Isang beses mo lang masusuot tapos wala na hindi na puwedeng ulitin. Tapos ang mahal-mahal pati ‘yun nakikita nila pati buhok, kabuhok ko raw si kuya DJ. Anong gusto ninyo, magpakalbo ako?”
Sabi naman ni Ogie, “Para lang mapalayo (ang itsura)?”
“Opo. Ako po sa lahat ng mall show iniiwasan ko pong kumanta ng kanta ni kuya DJ. Sinasadya ko po para hindi ako (maikumpara) lalo na pati boses daw,” ani Seth sabay binago ang pitch ng boses, “Paano kung ito talaga ‘yung totoo kong boses hindi ko ginagaya (sabay tawa ni Ogie).”
Dagdag pa niya, “Minsan gusto ko na po silang sagutin na hindi ko sila ginagaya, minsan pag nasa loob ako ng bahay, kapag nagba-vlog ako, eto ako. Pag kausap ako ng mga tao, eto ako hindi ko ginagaya.
“Actually nga po pag nakita ninyo si kuya DJ at tumayo sa harapan n’yo, napaka-manly niya po tingnan at ako po ay hindi ganu’n. Pag tumayo ako sa inyo para akong totoy, promise po ‘yan. Kapag nagsalita at nakipagkulitan ako mukha akong totoy, mukha akong lumaki sa kanal.”
Sa tanong ni Ogie kung nasasaktan si Seth sa mga komentong naririnig ay hindi naman daw, “Hindi ako nahe-hurt, naiinis! Hindi ako nasa-sad pero naiinis kasi ang dami nilang sinasabi. Kasalanan ko po ba kung ano ang nakikita ninyo sa akin? Maraming salamat po sa mga nakaka-appreciate.
“Minsan napapaisip ako kapag may nagsasabing ‘kamukha mo si (DJ).’ Good ba ito o bad (compliment)?” sabi pa ng aktor.
***
QUINN PINURI NI DIREK CARLO
MAY bagong pelikulang gagawin ang 3:16 Media Network na Showroom. Bida rito sina Quinn Carrillo at Rob Guinto. Ang hahawak ng pelikula ay si  Carlo Obispo.
Sa story conference ng nasabing pelikula, tinanong si Direk Carlo kung anong masasabi niya sa script na ginawa ni Quinn, ang sagot niya,”Since scriptwriter din ako ‘di ba? Bilib na bilib ako, kasi first time kong nabasa ‘yung script ni Quinn.
“She’s a brilliant writer. She has so much potential.
“Even ‘pag nag-uusap kami, ‘pag nagbi-brain storming kami, medyo malayo ang nararating namin. So I think, malayo ang mararating niya bilang isang scriptwriter,”papuri pa ni Direk Carlo kay Quinn.
In fairness, mahusay naman talagang scritpwiter si Quinn. Napanood namin ang dalawa sa sinulat niyang pelikula na Tahan, na bida si Cloe Barreto at The Influencer na bida naman si Sean de Guzman. And in fairness, ang ganda ng script niya, huh! Talagang nagustuhan namin ang istorya ng dalawang pelikula na sinulat niya.
Upon watching Tahan at The Influencer, nasabi rin namin sa aming sarili na malayo ang mararating ni Quinn bilang isang scriptwriter. Pwede talaga siyang makilala bilang isang mahusay na scriptwriter balang araw, gaya ni Ricky Lee.
Pero sa kabila ng pagiging mahusay na scriptwriter ni Quinn, gusto pa rin niyang dumalo sa scriptwriting workshop para lalo pang mahasa ang nalalaman niya sa pagsulat ng isang pelikula.
Samantala, masaya naman si Quinn na si Direk Carlo ang kinuhang direktor ng Showroom. Matagal na kasi niya itong kilala, at hanga rin siya rito bilang isang direktor.
“Malaki po ang tiwala ko kay Direk Carlo. Nakakatawa po kasi ‘pag nag-uusap kami siya po ang hindi ready na magsi-sexy ako. Kasi naaalala niya  nung Belladonas (girl group na isa si Quinn sa member) pa kami. It’s all about naman the trust of your co-actors, and the director,”sabi ni Quinn.
Sunud-sunod ang paggawa ng script ni Quinn. Hindi ba siya nauubusan ng idea, o iniisip sa pagsulat ng pelikula?
“Ubos na. Tumatanggi na ako ngayon,” birong sagot ni Quinn na natatawa.
“Sana magtuloy-tuloy (ang paggawa niya ng script). Pero baka next year na.”
May tatlong script pa kasing gagawin si Quinn this year. Kaya nasabi niya na baka next year na ulit siya gumawa after ng tatlo pang gagawin niya mula sa 3:16 Media Network.