Advertisers

Advertisers

5 persons of interest sa ‘fake BI chief appointment’ tukoy na ng CIDG

0 238

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 5 persons of interest na posibleng may kinalaman sa paglabas ng pekeng dokumento ng pagtatalaga sa bagong commissioner ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ang inihayag ni BGen. Ronaldo Lee, Dir ng PNP-CIDG matapos na atasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang PNP na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa paglabas ng pekeng appointment leter ni Abrahan Espero bilang commissioner ng BI.

Ayon kay Lee, natukoy na ang pagkakakilanlan ng 5 personalities na maaring makapagbigay ng linaw sa pagpapalabas ng pekeng dokumento.



“Sa ngayon ay may limang tao po tayong na-identify, kung saan ang tatlo po ay napaldahan na ng Sub-peona sa kanikanilang known address. Samatala, ang dalawa pang personalidad ay patuloy na inaalam ang kasalukuyang tirahan,” says CIDG Director, PBGen. Ronald Lee.

Umaasa naman si Lee na makikipagtulungan ang mga natukoy na personalities sa kanilang isinasagawang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan kung saan galing ang nasabing pekeng dokumento.



Sinabi ni Lee na ang lahat ng mga makukuhanan nilang mga impormasyon mula sa mga nasabing personalities ay daan sa masusing evaluation at validation.

Magugunita na inatasan ng Malacanang ang National Bureau of Investigation (NBI) at PNP na magsagawa ng masusing imbestigasyon matapos na lumabas na peke ang dokumento ng pagtatalaga kay Espero nang beripikahin ito. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">