Advertisers
MARIING nagbabala ang Department of Health (DOH) sa panganib kapag sinundan ng ibang lokal na pamahalaan ang ginawa ng Cebu City na pagtatanggal sa mandatory na pagsusuot ng face mask.
Pahayag ni Health OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 infection sa mga tahanan kapag inalis ang face mask.
Ayon pa kay Vergeire, nirerespeto nila ang otonomiya ng Local Government Unit (LGU) pero dapat din aniyang kilalanin ng mga lokal na pamahalaan ang mga umiiral na batas.
Dagdag pa ni Vergeire, ginawa ang naturang mga batas para may one chain of command sa panahon ng health emergencies.
Sinabi pa ni Vergeire, iisa lang ang protocol ng bansa para maproteksyunan ang sambayanan.