Advertisers

Advertisers

Piolo proud na inihayag na lolo na

0 314

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TRENDING ang ipinost ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual sa kanyang official Facebook account na makikita siyang karga ang isang cute na ‘baby.’
May mga naintriga pa sa post ng ultimate leading man dahil sa caption nito sa kanyang post.
“Have a blessed sunday everyone! #apo,” aniya.
Naging guessing game para sa ilan kung kanino may apo ang actor to think, na iisa lang naman ang anak nito: ang singer-actor na si Inigo Pascual na sa pagkakaalam ng madlang pipol ay single at walang girlfriend sa kasalukuyan.
May mga malisyoso namang nag-opinyong baka raw may nabuntis si Inigo, itinago ito at ngayon lang naisipang ilantad ang kanyang baby.
Pero pagkatapos mahimasmasan ang ilang nag-oopinyon, napagtanto nilang baka ang batang hawak ni Papa P. sa photo ay apo niya sa pamangkin.
Hindi naman imposible ito dahil may limang non-showbiz siblings si Piolo: sina Chiqui, Paulette, Pam, Choi at Patricia.
Umani naman ang naturang post ng iba’t ibang reaksyon sa netizens.
Ito ang ilan nilang mga mensahe.
“Have a blessed Sunday too Papa P and to your pogito apo. So handsome my idol Piolo. sending love and hugs.”
“Happy Blessed Sunday too to you!Enjoy your day with your cute grandson”
“Good looking apo just like you papa P. “
“Get married & have a baby”
“Your genes move on..Pogi Lolo, pogi Apo!!”
“Naku po papa p. na age reveal na hahaha”
“qung gnyan kpogi kh8 every life mu papa p mg reincarnate k at mgiwan ng gnyn k cute n baby and more… It doesnt matter kh8 lh8 ng kaba2ihan bgyan mung anak”
Pabiro naman ang naging komento ni Joross Gamboa sa nasabing post na kinaaliwan ng netizens.
Hirit niya, siya raw iyong apo ni Piolo.
“Baby pako dito ,” sey ni Joross.