Advertisers

Advertisers

Kris Bernal may nilantad tungkol kina JM Ibarra at Fyang Smith

0 4

Advertisers

By Anne Venancio

Ibinahagi ni Kris Bernal ang kanyang kasiyahan matapos niyang makilala nang personal sina JM Ibarra at Fyang Smith.

Sa isang Facebook post, sinabi ng aktres na ngayon lamang niya personal na nakilala ang dalawa, matapos silang una niyang mapanood at masubaybayan sa social media.

Ayon kay Kris, hindi niya pinalampas ang pagkakataong makapagpa-picture kina JM at Fyang nang magkasalubong sila sa isang event, kahit marami ang tao sa paligid.

May espesyal na papuri rin ang aktres kay Fyang. Aniya, mas maganda pa umano ito sa personal at mistulang isang Korean actress ang dating nito.

Agad namang umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizen ang naging pahayag ni Kris, lalo na sa mga tagahanga ng JMFyang, na ikinatuwa ang kanyang magagandang komento tungkol sa dalawa.

Sa ngayon, patuloy na inaabangan ng kanilang mga tagasuporta ang mga susunod na proyekto at public appearances nina JM Ibarra at Fyang Smith.