Advertisers

Advertisers

Maris Racal afam ang bagong kasama!

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Usap-usapan ngayon sa social media si Maris Racal matapos kumalat ang ilang larawan niya kasama ang isang foreign guy habang nasa ibang bansa.

Sa mga lumabas na larawan, makikitang magkasama ang dalawa sa airport. Sa iba pang kuha, tila magkasabay rin silang bumiyahe sakay ng isang bus, dahilan upang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.

Dahil dito, marami ang napatanong kung sino ang lalaking kasama ng aktres. May ilang netizens ang naghinalang baka ito na ang bagong espesyal na tao sa buhay ni Maris, habang ang iba naman ay naniniwalang isa lamang itong kaibigan o travel companion.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Maris tungkol sa pagkakakilanlan ng foreign guy o sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Habang wala pang kumpirmasyon mula sa aktres, patuloy na sinusubaybayan ng kanyang mga tagahanga ang mga susunod na update. Travel buddy lamang ba ang mystery foreigner, o may bagong kabanata na nga ba sa love life ni Maris Racal? Tanging ang aktres lamang ang makasasagot sa mga tanong na ito.