Advertisers

Advertisers

Sen. Padilla tutol sa panukalang postponement ng brgy. election

0 690

Advertisers

TUTOL si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla sa panukalang ipagliban ang eleksyon ng mga opisyal ng barangay, dahil gusto niyang mabigyan ng tunay na kapangyarihan ang tao sa pinaka-basic na antas.

Ayon kay Padilla, hindi lang siya kung hindi ang partido niya, ang PDP-Laban, ay nais matuloy ang halalan na nakatakda ngayong Disyembre.

“Kami talaga sa PDP-Laban, kami talaga ang gusto namin ma-empower talaga, ang yung mga nasa baba,” iginiit ni Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.



“Kaya kami gusto naming ma-decentralize ang power talaga. Kasi sobra po talaga ang binigay nating power,” wika pa ni Padilla.

Base sa iskedyul ng Commission on Elections, ang halalan para sa opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan ay nakatakda sa ika-5 ng Disyembre. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">