Advertisers

Advertisers

Hirit ng Senador sa PNP: ‘CURFEW SA PAGBENTA AT PAGBILI NG ALAK’

0 281

Advertisers

UMAPELA si Senador Imee Marcos sa liderato ng Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa mga local government units hinggil sa posibleng pagpapatupad ng curfew sa pagbebenta at pagbili ng alak sa mga lugar na may mataas na insidente ng panggagahasa.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, inihayag ni Marcos na nakapagtala ang PNP ng kabuuang 149 na krimen laban sa mga babaeng estudyante.

Binanggit ni Marcos na karamihan sa mga insidente ng sexual violence laban sa mga batang babaeng estudyante at napakabatang mga babae ay nasa National Capital Region.



Sinabi ng senador na may kinalaman ang mga kaso sa alak at droga at nangyayari tuwing payday, fiesta, concert, o iba pang pampublikong okasyon.

“So siguro makipag-liaise na tayo sa ating mga LGU kung lalagyan ng curfew itong alcohol sales and purchases. Lagyan siguro ng hinto diyan doon sa mga lugar at mga dating laganap ang paggagahasa para hindi na po ito maulit,” diin ni Marcos.

Hinimok din niya ang PNP na makipag-ugnayan sa mga international counterparts nito.

“Finally, may I make a plea to all of you in the PNP and the rest to contact your international counterparts… and I think it is important that we reach out to the ASEAN security network,” aniya pa.

“Paulit-ulit ang banggit natin… at patakbo-takbo lang ang mga POGO at sindikato diyan sa Cambodia at sa Pilipinas. Kung umiikot lang sila, eh talagang pinaiikutan tayong lahat,” pagtatapos ni Marcos. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">