Advertisers

Advertisers

Andrea sexy ang image pero conservative

0 174

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MASAYA ang naging tsikahan nina Toni Gonzaga at ng Kapuso actress na si Andrea Torres nang makatsikahan ng actress turned YouTuber ang huli sa kanyang vlog na “Toni Talks.”
Sa interview, nagbalik-tanaw si Andrea kung paano siya nagsimula sa showbiz.
Nagsimula raw siya bilang child star pero noong 2005 daw siya nakilala sa teen reality show na QPids sa ABS-CBN katambal si Dominic Roco.
Noong mag-ober da bakod daw siya sa GMA-7, unang markadong role niya ay bilang kontrabida ni Kylie Padilla sa Blusang Itim.
Dream daw talaga niya noon ang magbida at magkapelikula na natupad naman nang maging lead star siya sa mga TV series sa Kapuso network.
Sa mga nakakakilala raw sa kanya, conservative daw talaga siya at manang na manang na taliwas sa paniniwala ng mga taong wild siya.
Iyong pagkakaroon naman niya ng sexy image ay isang bagay na hindi niya pinagsisisihan dahil kinarir daw talaga niya ang ma-achieve ang maalindog na pangangatawan.
Nasa personalidad din daw niya na hindi confrontational kahit pa noong naghiwalay sila ng ex na si Derek Ramsay.
Bagama’t nakaranas siya ng depresyon sa kanilang breakup, pinili na lang daw niyang manahimik at huwag nang magsalita pa sa isyu nila ng ex.
Sa panahon daw na iyon, naging ispiritwal siya at naging malapit sa Diyos.
Sa pamamagitan ng mataimtim na pagdarasal, naging daan din daw ang kanyang pagkapit sa kanyang pananampalataya para maka-move on siya sa kanyang pagkasawi.
Loveless ngayon si Andrea kahit na lumalabas siya kasama ang mga kaibigan on dates.
Pero sa ngayon daw, mas focused siya sa kanyang pamilya lalo na’t meron siyang kapatid na may Down Syndrome.
Aminado rin siyang gusto na rin niyang magkaanak at mag-settle down kung darating si Mr. Right dahil nasa edad na raw siya.
Pumasok na rin sa vlogging si Andrea dahil gusto raw niyang ibahagi sa kanyang followers ang ibang side niya bilang tao tulad ng pagiging traveller.
Bet din daw niyang mag-travel muli sa Bali, Indonesia nang solo.
Nag-eenjoy daw kasi siyang makipag-usap sa kapuwa biyahero kapag nagtra-travel siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More