Advertisers
SINABI ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Lunes na pinakamataas pa rin ang COVID-19 case fatality rate sa hanay ng mga senior citizens mula Hunyo hanggang Setyembre ng taong ito.
Ang case fatality rate ay ang death rate sa mga naiulat na kaso ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH), na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Lunes, nabatid na mula Hunyo hanggang Setyembre, 2022, ang fatality rate sa mga senior citizen ay nasa 2.06%.
Ito na ang pinakamataas na fatality rate sa lahat ng age groups.
Sa pinakahuling datos ng DOH, nabatid na umaabot na sa 62,549 katao ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas. (Andi Garcia)