Advertisers
PATAY ang dalawang magkasama sa trabaho nang pagbabarilin sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Moad Daloro, 25 anyos; at Saharudin Malinao, 22.
Sa ulat, sakay ang mga biktima ng tricycle at patungo sa pinagtatrabahuhang livestock feed mill nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng motorsiklo na nakabuntot sa kanila. Patay kaagad ang mga biktima.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.