Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA latest vlog ni Barbie Imperial ay isa-isa niyang binarag at sinagot ang mga basher niya.
As in, nakipagbardagulan si Barbie sa nang-ookray sa kanya.
Una nga ay nang napuna ng bashers ang kanyang photo shoot na naka-bikini lang kaya raw siya nababastos ay dahil din sa kanyang kagagawan.
Sabay sagot si Barbie sa basher na wala itong pakialam kung nagbikini man siya sa isang photoshoot.
Besides ay di naman daw sa bashers nanggaling ang ipinambili nito ng swimsuit.
At inulit ng aktres na walang pakialam ang bashers kung ano ang gusto nitong gawin sa sarili at di naman porke’t nag-bikini ito sa photoshoot ay nagde-define na para mabastos ang babae.
Isa pang basher ni Barbie ay itong pagsasabi na di raw ito maka-move on at wala nang nagkakagusto dahil laspag na umano ito.
Niresbakan nito ang bashers at ayon sa actress na “makalaspag ka, mukha mo!”
“For your information marami pang nagkakagusto sa akin di tulad sayo at put on your coconut na di ako laspag!”
***
BOSSING VIC AT PAULEEN, ULAM AT DI SELOS ANG MADALAS PAG-AWAYAN
NEVER itinanggi ni Bossing Vic Sotto na may mga pag-aaway din sila ng batang misis na si Pauleen Luna.
Hindi raw selos ang ugat ng kanilang pag-aaway.
Napaganda pa nga raw dahil taga-showbiz si Pauleen.
Patunay pa nga ni Bossing Vic na di selos sa kanyang mga nagiging leading ladies ang kanilang alitan.
Minsan nga raw pag may project si Bossing Vic ay nagsa-suggest pa si Pauleen kung sino babagay sa mister na makakapareha.
Napaka supportive nga raw ni Pauleen pagdating sa trabaho ni Bossing Vic.
Inamin na nga ng Eat Bulaga host kung ano talaga ang madalas nilang pinagtatalunan ni Pauleen.
Ito raw ay ang iuulam sa araw-araw.
Pag type nga raw in Bossing Vic ng tocino at si Pauleen ay pusit at para wala nga raw away ay tocino-pusit ang ulam patotoo pa ng EB host.
Well well, well…’Yun na!