Advertisers

Advertisers

Dennis hands-on dad sa anak kay Jennylyn

0 233

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

TULAD ng inaasahan ay nag-trending ang first day airing ng “Maria Clara at Ibarra” na pumalit sa top rating primetime show ng Kapuso Network this year, ang “Lolong’.
Kaya ganun na lang kasaya si Dennis Trillo sa mainit na pagtanggap ng pinaghirapan niya na role bilang si Ibarra.
“Now, set naman during the Spanish regime ang ‘Maria Clara at Ibarra’ at pinag-aralan ko rin ang kultura noong unang panahon pati ang pagsasalita in Spanish.
Sa ibang shows, puede kang mag-adlib ng lines mo pero dito, hindi ka puwedeng basta-basta mag-adlib na lang ng mga gusto mong sabihin kasi kailangan, consistent ka sa character mo at sa time frame ng story nyo. Iba kasi ang kultura noon sa kultura natin ngayon,” say ni Dennis.
Pero above all ng pagtutok niya maigi sa kanyang karakter na si Ibarra mula sa libro ng bayaning si Dr. Jose Rizal, ang “Noli Me Tangere” ay patuloy pa rin ang obligasyon ni Dennis bilang ama sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan. Para sa aktor tila mas malaking pagsubok pa ang kanyang hinaharap bilang isang dad kahit pa sabihin na may anak na siyang nauna sa beauty queen na si Carlene Aguilar.
Hands-on dad kasi si Dennis sa anak nila ni Jennylyn.
“Umuwi ako ng madaling-araw, diretso ako no’n mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-tsek ko kung kailangan palitan ng diaper,” sabi ni Dennis.
At dahil hands on mom din si Jennylyn sa anak nila ni Dennis, marami tuloy sa mga tagahanga ni Jen ang nagtatanong kung kailan naman babalik sa showbiz ang Kapuso aktress.
“Next year pa naka-schedule ang pagbabalik showbiz ni Jen. Itutuloy yata nila yung taping ng naudlot na “Live, Die, Repeat” nila ni Xian Lim, and by that time ay mas malaki-laki na ang baby namin.
At ako naman ang maiiwan sa pag-aalaga sa mga bata,” say pa rin ni Dennis.
***
DALAGA na ang anak ni Joko Diaz na si Ashley Diaz, and by this time ay hindi na tinutulan pa ni Joko ang hilig ng anak na pasukin ang mundo ng showbiz.
Unang sumabak si Ashley sa serye nila ni Andre Yllana na ‘Di Na Muli” at ngayon ay ilo-launch na into full stardom si Ashley via Viva’s newest horror movie offering, ang “Mary Cherry Chua”, written and directed by Roni S. Benaid, It is based on a popular urban legend circulating since the early 2000s.
Mary is said to be an intelligent young student who was raped and killed by the school janitor. It is said that her spirit still wanders in the school premises.
Sa naturang pelikula ay kasama ni Ashley ang ama kaya lalong na-inspire siya sa kanyang ginagawa.
“I am so grateful to Viva for giving me this break, this opportunity. Excited din ako kasi I am working with my father para malalapitan ko agad siya kung kailangan ko ng tulong,” say ni Ashley.
All out support naman si Joko sa anak sa pinasok na hilig.
“Konti lang naman ang pinayo ko sa kanya kasi magaling siya at matalino. Always be professional, don’t be late on the set.
“Try to be nice to everyone at dapat intindihin mo sila kasi hindi lahat kasinggaling mo. She has to enjoy her work,” say naman ng amang si Joko.