Advertisers

Advertisers

Jhong muntik nang sumuko sa showbiz

0 216

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SINADYA ng broadcast journalist turned vlogger na si Bernadette Sembrano ang aktor at konsehal na si Jhong Hilario para kapanayamin sa bahay nito sa Bangkal, Makati para sa kanyang vlog.
Ani Jhong, bata pa raw siya noon ay mahilig na siyang magta-tumbling.
Katunayan, tambay daw siya sa riles noon kung saan doon siya nagpapalipas ng oras sa kanyang pag-eensayo sa acrobatics.
Aminado rin siyang may katigasan ang ulo niya noon at madalas na napapatawag siya ng principal sa office.
Nang makapasok daw siya sa showbiz, doon daw niya natutuhan ang disiplina sa ilalim ng mentorship ng kanyang manager na si Direk Chito Rono na siyang nagtatag ng “Streetboys.”
Hirit pa niya, muntik na nga raw siyang sumuko sa hirap ng training na naranasan niya sa ilalim ng magaling na director at talent manager.
Dahil naging abala sa pag-aartista, nakalimutan na raw niya ang pag-aaral.
Thankful din siya dahil maraming nagbukas na pinto ng oportunidad nang pumalaot siya sa showbusiness.
Dito hindi lang nahasa ang galing niya sa pagsasayaw kundi pati sa pag-arte.
Bagama’t napuri sa mga de-kalidad na mga pelikulang tulad ng Muro Ami, Dekada ’70 , Badil at marami pang iba, mas nakilala raw siya ng mga tao nang maging kontrabida siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
May mga pagkakataon nga raw na pag may nakakakita sa kanya ay minumura siya dahil ang akala ng madlang pipol ay salbahe siya sa tunay na buhay.
Nagpapasalamat din siya na nabigyan siya ng chance na maging co-host ng daily noontime show na “It’s Showtime” na naipakita niya ang kanyang galing bilang “Sampol King.”
Tungkol naman sa pulitika at public service, ang kagustuhan daw niyang maglingkod ay namana niya sa kanyang ama na isa ring dating public servant.
Biggest blessing naman kay Jhong ang mabiyayaan ng anak na si Sarina sa kanyang partner na si Maia Leviste Azores na nagdalawang taon na noong Marso.
Aniya, bilang dad, aminado raw siyang overprotective siya sa kanyang bunso lalo na noong panahon ng pandemya.
Ito nga raw ang dahilan kaya pansamantalang nagbakasyon siya sa “It’s Showtime” para i-devote ang time sa pag-aalaga ng kanilang baby.
Tulad niya, gusto raw niyang maging malakas at physically fit ang kanyang daughter.
Recently naman, masayang ibinahagi ni Jhong sa kanyag vlog ang out of the country trip nilang mag-anak sa US.
Bilib naman siya kay Baby Sarina, hindi raw ito nag-tantrums sa kanilang napakatagal na biyahe.
Sa naturang trip, binisita rin nila ang iba’t ibang tourist destination sa Los Angeles, California sa Tate.