Advertisers

Advertisers

MGA PAYASONG NAGTATANGKA SA PAMAMAHALA

0 304

Advertisers

ANG kasaysayan ay nagsisilbing gulugod ng lipunan. Ito ay dapat balikan at gunitain upang hindi maulit ang pagkakamali ng nakaraan. Bahagi ng gulugod na ito, hindi ang nagsasaliksik kundi ang bawat isa sa atin. Mahalaga ito para matahak ang matinong daan sa hinaharap. Parang barko na may kapitan na nagtitimon at matinong mga tripulante na sinisiguro matino ang makinarya, at maayos ang mapa, para maayos ang biyahe. Ngunit kapag mahinang uri ang kapitan na tumitimon sa barko, maaaring mabahura ito at manganib ang mga nakasakay.

Ganoon din sa pagtuturo ng kasaysayan. Ang mga nagtitimon nito o tour guide ay tulad ng kapitan na nagtitimon ng barko upang ihatid ang mga sumama sa nga nagtuturo ng kasaysayan. Sinisigurado ng isang matinong tour guide na nasa tama at maayos ang interpretasyon ng datos upang maibigay ng tama at maayos na interpretayon sa mga naganap sa isang makasaysayang lugar. Kumbaga sa isang batikang nagluluto sa handaan, ang tour guide ay parang kusinero na nilalagyan ng sariling pasakalye ang kanyang luto. Hindi masama ito dahil nagdadagdag ito ng kulay sa kwento. Kaya masasabi nating dalubhasang propesyon ang pagiging tour guide. Ngunit ang nilulutong kuwento kinakailangan tama ang rekado at eksakto ang sukat ang panlasa.

Lagyan ng tamang kahulugan ang naratibo ng kasaysayan. Dalawa ang naipapamalas sa madla. Una, ang tagasaliksik na nagkakalap ng datos base sa mga dokumento, mula sa iba’t ibang lugar gaya ng aklatan, talaan ng simbahan o munisipyo, o mula sa mga nakasaksi ng pangyayari. Ang pangalawa ay ang namamahala ng paglalakbay-kasaysayan, o tour guide naman itinuturo ang mga kaganapan, habang isinasagawa ang kanyang lakbay-kasaysayan o tour. Nagkaalitan ang mga nagsasaliksik ng kasaysayan, historyador, dalubhasa, at tour guide na nagsisilbing taga-ulat. Ang National Historical Commission of the Philippines, o NHCP, ang dapat na mamagitan. Ang NHCP ay inatasang isulong ang mga sumusunod na direktiba:



– gunitain ang makasaysayang kaganapan, hirangin ang mga makasaysayang lugar, istruktura, pangyayari at katauhan;
– manaliksik, gumawa ng materyales gamit ang iba’t ibang uri ng pamamalita, ilathala, at ipalaganap ang mga nagawang makasaysayan;
– magsagawa at magrekomenda ng uri ng panunumbalik, konserbasyon at pangangalaga ng mga lugar, estruktura at mga bagay na may kahulugan sa ating kasaysayan;
– ipamahala, mapanatili, at mangasiwa ng mga bantayog, makasaysayang lugar, gusali, at mga palatandaan may kinalaman sa ating kasaysayan;
– pangasiwaan ang pagpapagawa at disenyo ng heraldia at mga tagdan alinsunod sa RA; 8491 (mga panuntunan hinggil sa watawat at heraldiya ng Republika ng Pilipinas); at
– lutasin o resolbahin ang mga kontrobersiya at isyu tungkol sa kasaysayan.

Maging propesyonal tayo. Ang alitan ay bunga ng pagiging balat-sibuyas sa pagitan ng dalawang panig. Sasabihin ko ng diretsuhan. Sa panahon na may sigalot sa pagitan ng dalawang panig na nasasaklawan ng NHCP, dapat mamagitan kayo. Hindi puwede pauubaya sa iba ang gawaing ito. Dahil kung ito ang paiiralin hindi katanggap-tanggap sa magkabilang panig ang manghimasok ang iba. Lalong magiging magulo dahil alam ng magkabilang panig, trabaho ito ng NHCP. Bilang namumuno sa dalawang panig, dapat itong mamagitan at maging istrikto. Magbigay ng naaayong “guidelines” upang magkaroon ng sapat at tamang “standards” ang pagsasagawa ng mga “tours.” Maghigpit ng “standards” din ng mga mananaliksik upang mabigyan ng angkop datos ang mga”tour guides” na hindi base sa haka-haka o lalo na sa maling impormasyon o “historical revisionism.”



Dito kinakailangan ang NHCP ang magpakita ng ngipin at tibay ng gulugod. Dito nararapat na katigan ng NHCP ang tama’t wasto. Sa ating mga mananaliksik at mga namumuno ng lakbay-kasaysayan o mga tour guides, tandaan, na sa wrestling may kompetisyon na “tag team.”Dito nagtutulungan ang dalawang wrestlers sa kalaban na tag team. Pag napagod, o naubusan ng kakayahan ang ka-“tag team,” tatapik lang ito para mag relyebo ang kakampi. Ganoon ang papel na ginagampanan niyong dalawa sa pagkalap ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggunita sa kasaysayan. Magkaiba man ang kayo, “tag team” pa rin kayo. Magtulungan kayo. Dahil kung hindi, wala kayong pinag-iba sa mga “historical revisionists” na sa ngayon ay naglipana at mamera-sampu. Umayos kayo.

***



Nagpapatuloy ang sirko ng mga binansagan kong mga payasong nagtatangka sa pamamahala. Mula Mayo, nagpamalas ng kani-kanyang uri ng pamamayaso ang mga “duly-selected” sa ating pamahalaan, at ang pinaka-latest ay ang pamamayaso ng ating “duly-selected” na pangalawang pangulo. Sa ginanap na ika-120 taong anibersaryo ng DpEd Tarlac nang nasa gitna ng talumpati tinamaan siya ng sinag ng araw sa mukha, sabay biglang sabi: “Sorry… I’m sorry, excuse me… hindi ako naglalagay ng sunblock…” Sabay baba sa entablado. Marami ang natawa sa eksenang ito. Maganda ang obserbasyon ng isang netizen si Clive Reyes Jr: “VP SWOH strikes again! Natamaan lang ng araw yung mukha pinutol na speech, iniwan sa ‘ere ang audience. Hindi raw kasi siya nakapag sunblock. But you know what is really shocking? Naaliw pa ang audience sa eksena niya… ” Parang marami rin ang natawa nang sabihin ng tatay niya na sana nauna siya sa pag-rape at pagpatay kay Jacqueline Hamill, isang misyonerong Australyana. Marami ang nagtawanan dito. Marami ang natawa sa ipinamalas ni Inday Sapak. Gusto kong isipin ito ay bunga ng takot o pamamangha sa harap ng duly-selected vice president. Ayan, napala natin kaya ayoko nang isipin. Tutuldukan ko na lang ito sa pamamagitan ng isang haiku:

“OH INDAY…
I AM GOING TO DIE…
LOOK NA LANG AKO SA SKY…”

Kasihan tayong lahat ni Poong Kabunian.

Mga Harbat sa Lambat: “A tale of 2 VPs. Swab Cab vs Sunblock. Public Bus vs Presidential Helicopter. Angat Buhay fundraiser vs Confidential Funds. Typhoon Relief vs Punch the Sheriff. Nope, they are not the same. They never will be…” – Dr. Ruben Malabuyo

“ The degree of civilization in a society can be judged by entering its prisons. A society should be judged not by how it treats its outstanding citizens but by how it treats its criminals…” – Fyodor Dostoevsky

“Parang Resort pala ung Bilibid, may zoo at big pool kaya pala ung mga high profile sarap buhay. For sale na talaga dignity ng mga naka uniform sa gobyerno…” – TinTin, netizen

“Hindi na bale kung malalaking alon ang humahampas sa barkong sinasakyan natin kung ang timon nito ay magaling at batido. Ang ating bansa ngayon ay parang barko. Hinahampas ng mga sari-saring krisis. Nanganganib itong lulubog dahil ang timon natin ay walang kakayahan at karanasan…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen

***

mackoyv@gmail.com