Advertisers

Advertisers

PMSEA may puso dating pulubing bayan ngayon big time na!

0 176

Advertisers

Labis labis ang naging pasasalamat ng mga mamamayan sa Bayan ng Claver Surigao Del Norte sa naging malaking ambag ng pamunuan ng Philippine Mines Safety Environment Association (PMSEA) dahil sa tinatamasa nila sa ngayon na pag-unlad.

Ayon kay Municipality of Claver Mayor Georgia Gokiangkee nuong dati ay hindi nila malaman kung saan sila kukuha at pagkakasyahin ang kakarampot na pondo mula sa gobyerno na halos wala silang maibahagi sa mamamayan sa tuwing may kalamidad.

Sa pakikipag dyalogo sa mga lokal na opisyal ng Claver ng mga tauhan ng PMSEA sa pangunguna ni President Engr. Louie Sarmiento nabuksan ang kaisipan ng mga LGU kabilang ang mga mamamayan duon kung paano sila makakaahon sa nararanasang hirap sa pamamagitan ng pagmimina



Bago tinanggap ni Mayor Gokiangkee ang alok sa kanila ng isang mining company ay sumangguni muna ito mga Ka Usapang HAUZ sa kanyang nasasakupan, hindi naman nagdalawang salita ang Alkalde at ayun umpisa na.

Nitong ika 68th Annual National Mine Safety and Environment Conference naibahagi ni Mayor Gokiangkee sa Usapang HAUZ kung paano naging matagumpay ang kanilang bayan sa pamamagitan ng pagmimina.

Ang kuwento ni mayora sa Usapang HAUZ nuon ang bayan namin ay “Pulubi” sa dilang pulubi sa hirap, 6th class municipality nga eh ngayon dahil sa tulong at paliwanag ng PMSEA kami ngayon at nasa 2nd class municipality mas malaki pa ang income namin ngayon mula sa mga mining company kesa sa dumadating government funds.

Sa kasalukuyan umaabot na sa 15 mining companies ang muling nag operate matapos na ianunsiyo ng DOH ang alert level 1 ng mapinsalang COVID-19 Virus, kayat ang sabi ni mayora Gokiangkee sakaling magtuloy tuloy muli ang operation ng mga minahan sa aming bayan posibleng ang pagiging 2nd class municipality ay maging City na.

Isa sa ibinida ng Alkalde na ang Philippine Group of Metal Corporation ang siya ngayong number 1 Tax earner ng Munisipalidad base na rin sa pakikipag-ugnayan ni Community Relation Officer ng nasabing kumpanya Mr. Ruel Asuncion at mga kasamahan nito.



Siniguro rin ni Mayor Gokiangkee na patuloy ang kanilang pag inspeksiyon sa mga minahan sa kanyang lugar at tiniyak din nito na ang lahat ng mining company ay susunod sa lahat ng mga alituntuning ipinalalabas ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Claver.

Samantala mga Ka Usapang HAUZ ang ganda ng naging pahayag ni PMSEA President Engr Louie Sarmiento hinggil sa illegal miners, “Hindi natin sila kaaway sa halip ay tinutulungan pa natin ang mga maliliit na mga minero”

Ayon kay PMSEA Pres. Sarmiento hindi kinakailangan na ipagtabuyan ang mga illegal miners dahil ito ng kanilang alam na ikabubuhay sa halip ay inaaruga ng aming samahan kasama pa ang pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang paraan sa pagmimina ng sa gayon ay ang kanilang kaligtasan ang maisaalang alang.

Binanggit rin ni Sarmiento na ang kanilang asosasyon ay handang tumulong sa anumang oras na kailanganin maging ito ay illegal small scale o maging ito ay big scale lalong lalo na sa tuwing may mga kalamidad tulad ng bagyo.

Binanggit pa ni Sarmiento na sa bayan ng Maco sa Compostela Valley may mga illegal miners duon na sakop ng aming projects hindi po namin sila kailangang ipagtabuyan dahil sila ay mga tao din na nagugutom kailangang mabuhay, ang pagmimina ang kanilang nakagisnang hanapbuhay.

Binanggit pa ni Sarmiento na sa tuwing nagkakaroon ng mga lanslide, ang PMSEA ay nagkakaroon agad ng mga rescue and search and retreival operation tulad ng typhoon Paeng, ang lagingi reaksyon ay ang, galing ng mga legal miners na yan.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036