Advertisers
Arestado ang dalawang bigtime na tulak na nasamsaman ng P3.4 milyon halaga ng droga sa isang anti-drug operation sa Lanao del Sur.
Kinilala ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command – Western Mindanao, ang mga suspek na sina Jamel Sandulog Mabpan, 34; at Daud Tidong Lios, 41, na naaresto sa Purok 2, Barangay Eastern sa Wao, Lanao del Sur 1:00 ng hapon nitong Martes, nang bentahan ang isang undercover agent.
Nasamsam ang humigit-kumulang 500 gramo ng shabu na nakaimpake sa limang transparent plastic packs, anim na bundle ng photocopied PHP1,000 bills na may kasamang isang genuine PHP1,000 bill bilang buy-bust money, isang cellular phone, at isang motorsiklo.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa mga suspek na inilagay sa kustodiya ng PDEA sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.