Advertisers

Advertisers

2 NPA patay sa bakbakan

0 193

Advertisers

Patay ang dalawang miyembro ng rebeldeng grupong New Peoples Army sa naganap na engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa Kabankalan City, Negros Occidental Miyerkules ng madaling araw.

Base sa report ng Kabankalan police, 2:00 ng umaga ng makasagupa ng 94th at 47th Infantry Battalion ng Philippine Army ang grupo ng NPA sa Sitio Makilo, Barangay Kamansi.

Nagsagawa ng pagpapatrulya ang mga sundalo nang magreklamo ang mga residente sa extortion activities ng mga armadong grupo sa kanilang lugar.



Humihingi umano ng pagkain sa mga residente ang mga armado araw-araw.

Ayon pa sa report, dalawang beses nagkabakbakan ang magkabilang panig bago tumakas ang mga rebelde.



Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga namatay.

Na-recover sa pinangyarihan ng engwentro ang mga armas, bandila ng CPP-NPA, dalawang granada at mga subersibong dokumento.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">