Advertisers

Advertisers

Tricycle nabagsakan ng baka mula sa trak, 4 sugatan

0 212

Advertisers

SUGATAN ang apat katao nang mabagsakan ng isang baka na nahulog mula sa trak ang sinasakyan nilang tricycle sa national highway sa Barangay Madulao, Catanauan, Quezon, Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng Catanuan Police, magkasalubong na tumatakbo ang tricycle na may sakay na 8 tao at ang truck na kargado ng mga baka. Nang eksaktong magkatapat ang 2 sasakyan, tumalon ang isa sa mga baka. Sumalpok ito sa unahang bahagi ng tricycle.

Nasugatan ang magkakapamilyang sakay ng tricycle na sina Sheryl Tesalona Rico, 41 anyos; Sheila Mae Garcia Tesalona, 23; at Teresita Garcia Tesalona, 65, pawang residente ng Mulanay, Quezon.



Sugatan rin ang nagmamaneho ng tricycle na si Michael Castillo Batario, 41.

Isinugod ang mga ito sa Bondoc Peninsula District Hospital dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.



Hindi naman nasugatan ang 4 pang pasahero.

Nagtamo rin ng bahagyang sugat ang nalaglag na baka.



Nasa kustodiya ng Catanauan Police ang 20 anyos na drayber ng trak habang hinihintay kung magsasampa ng kaso ang mga biktima.