Advertisers

Advertisers

55 REBELDENG KOMUNISTA, NAKINIG SA PANAWAGAN NG PNP PARA SA ‘KAPAYAPAAN AT PAGKAKAISA’

0 234

Advertisers

SA pagdiriwang ng ika-54 na Anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CCP) noong Disyembre 26, 2022 ay ipinarinig ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen Jonnel Estomo ang panawagan ni PNP Chief PGen Rodolfo Azurin Jr. sa mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sumuko at manumpa ng katapatan sa gobyerno.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng kanilang pinuno na si Joma Sison, kung saan ay hinimok ng gobyerno ang mga kasapi ng CPP-NPA na talikuran ang armadong pakikibaka at bumalik na lamang sa mainstream ng lipunan upang maibalik ang matagal nang nawawalang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.

“ Naniniwala kami na sa kabila ng pagkakaiba sa paniniwala at ideolohiya, isa kami sa pagtataguyod ng isang ligtas at progresibongkomunidad para sa aming mga anak at pamilya.”sabi ni Estomo



Sa loob ng maraming dekada na pinamunuan ng self-exiled na ‘utak’ ng CPP-NPA na si Sison mula sa ibang bansa, partikular ang Netherlands ay naging ugat umano ito ng isang malalang pagkasira ng impluwensiya at kakayahan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino.

Kasunod ng kanyang pagkamatay, ang mga tagasuporta ni Sison tulad ng Gabriela Partylist, League of Filipino Students, Concerned Artists of the Philippines at iba pa ay nag-post ng mga parangal para sa tagapagtatag ng Communits Party.

“ We never meant to ‘red tag’ anybody. We only call for peace and unity.This decade-long armed conflict has bring so much violence in our country already. It is high time to finally end this,move on, and unite towards ang ikabubuti ng bansang ito.”dagdag ni Estomo

Kaugnay nito, limamput lima (55), sa ilang miyembro ng CTG ang pormal na nag-withdraw ng kanilang katapatan sa mga makakaliwang organisayon mula sa isang programang pinaunlakan ng NCRPO noong lunes, Disyembre 26 kasama ang PNP Chief Azurin bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Ibat-ibang matataas na uri ng armas at pampasabog ang sinurender ng mga sumukong rebelde sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (JOJO SADIWA/CESAR MORALES)