Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TINAPOS na ni Sofia Pablo ang isyu tungkol sa umano’y hidwaan nila ni Jillian Ward!
Sa ginanap na presscon ng Luv Is: Caught In His Arms nila ni Allen Ansay ay nagbigay ng pahayag si Sofia tungkol sa sitwasyon sa pagitan nila ni Jillian.
“Kami po kasi ni Jillian, ever since, hindi po talaga kami yung nagdya-jibe, as in.
“Kumbaga, magkaiba po kami ng interes. So, there are issues. Pero wala na po, matagal na po yun.
Ayon pa rin kay Sofia, hindi sila ganun ka-close ni Jillian at wala silang regular na komunikasyon.
“So, hindi na rin namin siya napapag-usapan. It’s all in the past.
“So, we’re all happy sa success namin. I’m happy for her kahit na we never got to be the besties.
“Pero happy ako kasi isa siya sa artista na nakatulong sa akin na naging tatlo kaming magkakapatid.
“And we know that Jillian is a good star, and I’m really proud of her, even hindi kami ganun ka super-duper close na may issues. I’m proud for the both of us.”
Magsisimula ang Luv Is: Caught in His Arms sa January 16 sa GMA Telebabad 8:50 ng gabi.
Kasama rin din dito ang mga bagong mukha ng Sparkada under Sparkle ng GMA Artist Center na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, Cheska Fausto, at Kirsten Gonzales.
***
HANDOG ng Magpakailanman o #MPK ang bagong episode na Reyna Ng Tahanan ngayong Sabado, January 14, alas otso ng gabi tampok sina Snooky Serna, Lovely Rivero, Liezel Lopez, Cai Cortez, Candy Pangilinan at Rochelle Pangilinan, sa direksyon ni Rechie del Carmen.
Sa panulat ni Vienuel Ello at research ni Angel Launo, kasama rin sa cast sina Jaime Sabarte, Vince Crisostomo, Patricia Coma at Paolo Paraiso.