Advertisers

Advertisers

Lolo patay, 3 sugatan sa tambang

0 209

Advertisers

PATAY ang 60 anyos na lolo at sugatan ang tatlong iba pa nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin Lunes ng umaga sa pribadong pantalan sa Zamboanga city.

Kinilala ni Maj. Francis Briones, hepe ng Zamboanga City Police Station 11, ang nasawi sa pangalan Philix, 60; habang patuloy na ginagamot sa Zamboanga City Medical Center ang mga sugatan na sina Albasar Abdul Amiril, 37; Mohammad Taha Panolera Saddalani, 26; anak ng mag-ari ng Taha Wharf na si Saramae Panolera Saddalani,.

Sa ulat, 6:20 ng umaga nang maganap ang krimen sa Taha Wharf sa Barangay Baliwasan, ng naturang lungsod.



Ayon sa pulisya, nag-uusap ang mga biktima ng biglang dumating ang salarin na nakasuot ng jacket, face mask at full face helmet saka pinagbabaril ang mga biktima na tinamaan sa kanilang katawan.

Matapos ang pamamaril kaswal na naglakad ang salarin sa motorsiklo saka mabilis na pinaharurot patungong kanlurang bahagi ng lungsod.



Agad naman dinala sa nasabing ospital ang mga biktima subali’t sa daan pa lamang nalagutan na ng hininga si Philix.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin para sa agaran ikadarakip nito.



Bagsakan ng mga kahoy ang pantalan ng Taha na ikinakarga sa mga barko na dumadaan sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.