Advertisers

Advertisers

Pistahan niratrat: Magpinsan patay, 2 sugatan

0 199

Advertisers

Patay ang magpinsan at dalawa ang sugatan kasama ang barangay kagawad nang pagbabarilin ng apat na armado habang nagkakasayahan sa pistahan ng Sitio Caguco, Brgy.Tinigban, Aroroy, Masbate Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rene Roxas Ross, 21 anyos; at Jhin Mark Ross Rabosa, 39 anyos, kapwa mangingisda at residente ng naturang lugar.

Sugatan namang isi­nugod sa Aroroy Municipal Hospital sina Justin Ragot Ross at ang incumbent barangay kagawad ng lugar na si Roy Cortes Virtucio.



Sa ulat, ala-1 ng madaling araw habang nagkakasayahan ang mga biktima sa kapistahan ng kanilang patron ng Sitio Caguco nang biglang dumating ang apat na armado na nakilalang sina Garry Verano, Nonoy Ferrer Verano, Glen Limbaga Marco at isang hindi pa nakikilala.

Sa hindi malamang dahilan, walang kaabug-abog na pinagbabaril ng mga salarin ang mga biktima na lahat duguang humandusay sa daan sa kasagsagan ng piyesta sa kanilang lugar.



Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang mga suspek na mabilis na nakatakas makaraan ang pamamaril.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">