Advertisers
KULONG ang isang ginang na barangay tanod dahil sa panunuksong “pangit” sa 11-anyos na dalagita sa bayan ng San Manuel, Isabela.
Nakakulong ngayon sa San Manuel Municipal Police Station ang 32-anyos na suspek na hindi pinangalanan at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.
Ayon kay Captain Resty Derupe, deputy chief ng San Manuel Police Station, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant ng arrest na ipinalabas ng korte dahil sa reklamo ng mga magulang ng grade 6 pupil noong Setyembre 2022.
Nag-ugat ang kaso matapos tuksuhin ng tanod ang dalagita na “pangit” at “babalu” sa tuwing bumibili ito sa sari-sari store.
Sinabi ni Derupe, na-trauma ang bata hanggang ayaw na itong lumabas ng bahay at pumasok ng paaralan.
Nakumbinsi lamang na pumasok sa paaralan ang biktima nang kausapin ito ng masinsinan ng kanyang mga magulang at guro.