Advertisers
NASAMSAM ang 2,000 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million sa mag-asawang drug personalities sa buy bust operation sa Naga City, Camarines Sur.
Kinilala ang mag-asawa na sina Nelynn, 40 anyos; at Ernan Tobias, 45, ng Barangay Tabuco, Naga City.
Ayon kay PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr, 9:11 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng ODRDO RPDEU 5/Team Naga Camarines Sur, SDEU ng Milaor MPS; Camarines Sur PIU; 501st RMFB 5; sa Diversion Road, Zone 5, Brgy. Tabuco, Naga City.
Nasamsam ng mga operatiba sa mag-asawa ang kabuan 2,000 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million, caliber 9mm pistol at buy bust momey.
Nahaharap ang mag-asawang Tobias sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (Mark Obleada)