Advertisers
WELCOME development ang pagsuko ng tatlong mga dating pulis na akusado sa pagkawala ng e-sabong master agent na si Ricardo Lasco sa San Pablo City, Laguna noong Augosto 30, 2021.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin Jr., ang pagsuko ng tatlo ay maituturing na “breakthrough” sa kaso ng mga nawawalang sabungero lalo na kung makikipagtulungan ang mga ito sa imbestigasyon ng awtoridad.
Sinabi ni Azurin, dapat sabihin ng mga dating pulis ang buong detalye sa pagkawala ni Lasco upang matukoy kung sino ang mastermind sa krimen.
Sumuko sa mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang mga akusadong sina dating Patrolman Rigel Brosas at dating SSgt. Daryl Paghangaan noong Huwebes, at sa Calauan City Police naman sumuko si Roy Navarette Sabado ng gabi.
Ang tatlo ay na-dismiss na sa serbisyo. Nahaharap ang mga ito sa mga kasong robbery, kidnapping at serious illegal detention. Walang nirekomenda piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.