Advertisers
SUMUKO narin ang pangatlong dating pulis na sangkot sa pagdukot sa online sabong agent sa San Pablo, Laguna sa mga otoridad nitong weekend.
Ang dating pulis, Corporal Roy Navarette, ay sumuko sa Calauan Police sa Calauan, Laguna Sabado ng gabi.
Si Navarette ay sumuko pagkaraan ng dalawang araw ng pagsuko ng kanyang mga kasamahang akusado na sina dating Patrolman Rigel Brosas at dating Corporal Daryl Paghangaan na kapwa sumuko sa Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) noong Huwebes, Enero 19, 2023.
Si Navarette ay sinamahan ng kanyang misis na Herlyn sa Calauan Police. Siya ay ‘wanted’ sa counts robbery with violence, kidnapping at serious illegal detention.
Walang piyansang nirekomenda sa kidnapping and serious illegal detention cases laban kay Navarette.
Sa robbery with violence, pinagpipiyansa siya ng korte ng P400,000 para sa bawat bilang kaso.
Si Navarette ay nasa custody ngayon ng Calauan Police.
Ayon sa rekord, sina Navarette, Paghangaan at Brosas ay nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation at kinuha si Ricardo Lasco sa bahay nito sa Barangay San Lucas, San Pablo City noong August 30, 2021.
Si Lasco at 33 iba pang online sabungeros, ay naiulat na “missing” simula 2021 ay hindi pa nakikita hanggang ngayon. (KOI LAURA)