Advertisers

Advertisers

PBBM sa Senado: Suriing mabuti ang Maharlika Fund

0 72

Advertisers

UMAPELA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Senado na suriing mabuti ang sovereign welth fund o ang Maharlika Investment Fund.

Sinabi ng Pangulo, isang magandang panukalang batas ang Maharlika Investment Fund at hindi basta na lamang na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Ang message ko sa Senado, suriin ninyo nang mabuti para magandang-maganda ‘yung batas natin. Suriin ninyo nang mabuti. Siyempre, mas maganda na matapos sa lalong madaling panahon. Pero hindi naman dapat imadali dahil napakaimportante lahat ng mga ilala – bawat salita na ilalagay mo doon sa batas na ‘yun may kabuluhan ‘yun. Hindi mo basta’t puwedeng ano, “O tama na ‘yan, okay na.” Kailangan talagang pag-aralan nang mabuti ‘yun,” pahayag ng Pangulo.



Malaki ang tiwala ng Pangulo sa mga Senador dahil alam naman nila ang kanilang trabaho.

Tiyak aniyang pag-aaralan ng mabuti ng mga Senador ang naturang panukala.

Matatandaang idiniga na ni Pangulong Marcos sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland ang Maharlika Investment Fund para makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan. (Vanz Fernandez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More