Advertisers
Sugatan ang dalawang estudyante at isang tindahan ang nabasagan ng mga paninda nang tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa New Bataan, Davao de Oro.
Sa ulat, nasugatan ang isang estudyante nang magtakbuhan palabas sa mga classroom ang mga kamag-aral nito sa Davao de Oro State College.
Habang ang isa pang sugatan na 22 anyos na babae ang nawalan naman ng malay.
Samantala, sa isang tindahan naman sa Montevista, Davao de Oro nahulog at nabasag ang ilang paninda dahil sa nangyaring malakas na pagyanig.