Advertisers
Politika o personal na galit ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaslang sa isang opisyal ng bayan sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Kinilala ang biktima na si Tans Nanalon, 43 anyos, may asawa at Municipal Councilor ng Northern Kabuntalan Maguindanao.
Matatandaan na galing sa isang peryahan at dumaan ang biktima sa bespiras ng kasal ng kanyang kamag-anak sa Barangay Damatog sa bayan ng Northern Kabuntalan nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin gamit ang kalibre.45 na pistola.
Patay on the spot si Councilor Nanalon nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.
Habang nagpapagaling naman sa ngayon ang kasamahan nitong sugatan.
Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya sa sinapit ng biktima habang kinondena ng SB Northern Kabuntalan kasama si Mayor Datu Ramil”Ombra”Dilangalen ang naturang pangyayari.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Northern Kabuntalan PNP at may mga person of interest na itong sinusundan na posibling may kinalaman sa pagpaslang sa biktima.