Advertisers
BILIB si ex-Senate President Franklin Drilon, miyembro ng oposisyon, sa mga polisiya ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Say ni Drilon, dating lider ng Liberal Party, ang partidong mahigpit na kalaban ng Marcos simula pa ng labanan sa politika nina late Senator Ninoy Aquino, Sr. at late President Ferdinand Marcos, Sr., mas nagugustuhan niya kung paano mag-handle si Bongbong kesa kay ex-President Rody Duterte.
Ako man ay bilib sa mga ginagawa ni PBBM. Pramis!
Maging sa pagtalaga ng mga opisyal sa mga kagawaran ay maingat si Bongbong, ayon narin sa advise ng kanyang Executive Secretary (retired Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin).
Kaso may mga kumakalat na isyu na ang nagpapatakbo raw ng gobyerno ay si First Lady Liza Araneta-Marcos, sunud-sunuran nalang daw si Presidente Bongbong. Araguy!!!
Pinabulaanan ito ni First Lady Liza. Hindi aniya pinakikialaman ang mga hakbang o programa ng pangulo.
Pero sigurado ako, bilang kabiyak at may alam sa batas, inaadbaysan ni First Lady Liza ang kanyang mister President.
Si Liza ay isang abogada, mas mataas ang pinag-aralan kesa kay PBBM na kontrobersiyal ang mga rekord sa koliheyo. Hehehe…
Walong buwan palang naman ngayon ang administrasyong Marcos Jr. Bigyan pa natin siya ng panahon para maiayos ang napakalaking problemang minana niya sa nakaraang gobyernong Duterte. Mismo!
***
Aminin man o hindi, kabado ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon sa muling pagbukas ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa ‘war on drugs’ kungsaan halos nasa 30,000 daw ang napatay ayon sa international human rights group. Pero sa datus ng PNP ay nasa 6,000 lang ang nasawing indibidwal na sangkot kuno sa illegal drugs.
Dahil kung hindi nababahala sina ex-President Rody Duterte, ex-PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” Dela Rosa, hindi sila maghuhurumentado, hahayaan nalang ang ICC sa gagawing imbestigasyon at ‘di pagsasabihang kanilang ipapaaresto!
Ang katuwiran nina Digong at Bato ay isang pakikialam ang gagawin ng ICC dahil umuusad naman daw ang hustisya sa Pilipinas at hindi nan miyembro ng ICC ang ating bansa.
Ang totoo niyan, mga suki. Dalawang taon na pinagbigyan ng ICC ang gobyerno ng Pilipinas para imbestigahan ang reklamong extrajudicial killings na may kaugnayan sa war on drugs, pero tila hindi raw umuusad ang imbestigasyon, hindi parin nabibigyan ng hustisya ang mga inosenteng biktima ng sinasabing “pekeng giyera” laban sa droga.
At ang pagtiwalag ng Pilipinas sa ICC ay nangyari lamang nang imbestigahan ng ICC ang mga reklamong extrajudicial killings.
Kaya sabi ng ICC, kahit ‘di na ngayon nila miyembro ang Pilipinas, may kapangyarihan parin itong imbestigahan ang mga reklamo. Dahil nangyari ang mga krimen noong miyembro pa ang Pilipinas ng ICC.
Ang ICC ay binubuo ng brilliant international lawyers.